Sa darating pa na Agosto 6 ang itinakdang petsa ng Senado para talakayin ang ruling na inilabas ng Korte Suprema ukol sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na mahalaga na magkaroon muna ng oras ang mga senador na pag-aralan ang ruling.
Dagdag pa nito na nagkasundo ang mga senador sa isinagawang caucus ukol sa pagtalakay ng nasabing usapin.
Naniniwala din ang Senate President na hindi na kailangan na mag-convene ang Senado bilang impeachment court para pagbotohan ang SC ruling.
Marapat na tumugon ang Senado sa ruling ng SC para maiwasan ang anumang constitutional crisis.
Magugunitan naglabas ang SC ng ruling na ang impeachment na isinampa ay lumalabag sa probisyon ng konstitusyon na hindi maaring magsampa ng higit na isa pang impeachment sa loob ng isang taon.