-- Advertisements --

Nakatakdang magkaroon ng kabuuang 300 joint military exercises sa 2020 ang Armed Forces of the Philippines at Estados Unidos.

Ito mismo ang inanunsiyo ni Adm. Philip Davidson, commander of the US Indo-Pacific Command.

Layon ng nasabing military exercise ang pagtugon sa regional security challenges bilang makaalyadong bansa.

Pamumunuan naman ni Gen. Benjamin Madrigal Jr, ang AFP chief of staff, ang Philippine contingent sa Mutual Defense Board and Security Engagement Board (MDB-SEB).