Humihiling ngayon ang Sugar Regulatory Adminsitration (SRA) kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na pabilisin na ang paglalabas ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) permit para sa mga sugarcane.
Kailnagan kasi ng SRA ang naturang clearance para makabili na ang kanilang tanggapan ng P15 milyong halaga ng pesticides na siyang gaagamitin naman para malabanan ang Red Stripe Soft Scale Insect (RSSI) na siyang pumepeste sa mga sugarcane farms sa negros at Panay Island.
Ayon kay SRA Administrator Pablo Luis Azcona, ang permit ang magdedeklara ng clearance para sa procurement ng isa sa mga ginagamit na pesticides ng kanilang tanggapan na siyang tradisyunal na ginagamit para sa mga tubo.
Samantala, kapag nailabas na ang permit ay agad na bibili at itatalaga ang mga pesticides upang magamiot sa halos 3,394.82 ektaryang lupain ng tubo na siyang apektado ng RSSI.