-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner ang kauna-unahang joint sail patrol sa pagitan ng Philippine Navy at Indian Navy na nagsimula kahapon sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Gen. Brawner kaniyang ibinahagi na naging maganda ang resulta ng nasabing joint sail patrol kung saan nakamit nila ang kanilang adhikain sa naturang ehersisyo.

Umaasa si Brawner na magtuloy-tuloy na ang ganitong aktibidad.

Ito din ang kauna-unahan na bumiyahe patungong Pilipinas ang mga Indian navy vessels.

Umaasa si Brawner na magkakaroon pa ng maraming joint exercises at aktibidad sa pagitan ng AFP at Indian Armed Forces.

Inihayag naman ni Brawner na sa kasagsagan ng joint sail patrol sa pagitan ng Philippine at Indian navies, walang naitalang mga untowward incidents subalit namonitor ng AFP ang pagsa shadow ng ilang mga Chinese vessels.

Sinabi ng Chief of Staff na kanila na itong inaasahan.

Binigyang-diin ni Brawner na ang nasabing aktibidad ay resulta ng kaniyang pagbisita sa India kung saan nagkaroon sila ng kasunduan ng kaniyang Indian counterpart.

Giit ni Brawner kaniyang hiniling na sumama sila sa joint maritime sail sa Pilipinas at makalipas ang apat na buwan nagkaroon na ng magandang resulta.

Punto ni Brawner masaya sila na naging mabilis ang tugon ng Indian Armed Forces sa kaniyang hiling.