-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na tutugunan nila at ng ilang mga ahensya sa gobyerno katuwang ang energy private company na tutugunan nila na pabilisin ang pagproseso ng mga aplikasyon ng Net Metering Program ng pamahalaan.

Ito’y kasunod ng derektiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong kanyang State of the Nation Address na bawasan ang mg red tape at agad na maghatid ng benepisyo sa mga konsyumer ng kuryente.

Ginawa ang pahayag matapos ang naganap na inter-agency meeting ng DOE noong Agosto 14, 2025, kasama ang Energy Regulatory Commission (ERC), Department of the Interior and Local Government (DILG), National Electrification Administration (NEA), at Meralco.

Layunin ng bawat ahensya na pagtulungan na alisin ang mga hadlang sa proseso, gawing simple at malinaw ang mga requirements, at mapadali ang pag-apruba para sa mga gustong magbenta ng surplus na kuryente mula sa solar energy.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, bawat araw na nade-delay ang programa ay pagkakait ng oportunidad sa mga Pilipino na makatipid sa kuryente at kumita mula sa sariling malinis na enerhiya.

Kasama sa mga napagkasunduan ng mga ahensya ang mahigpit na pagpapatupad ng timeline sa bawat aplikasyon; pagpapasimple at pag-i-standardize ng mga form at requirements; pagtiyak na ang mga hinihinging dokumento kung ito ba’y mahalaga at may saysay

Nagpahayag din ang Meralco ng suporta sa pamamagitan ng digitization at digitalization, accreditation ng solar PV installers, at standardization ng solar equipment.

Sa ilalim kasi ng Net Metering Program, maaaring magpakabit na ng renewable energy systems (hanggang 100kW) ang mga konsyumer. Ang sobrang kuryente ay maaaring ibenta pabalik sa grid, at babayaran ito sa pamamagitan ng pag-bawas sa electric bill.

Bagama’t may 17,175 na rehistradong users na ang programa, nananatiling balakid ang mabagal na paglabas ng permits gaya ng Certificate of Final Electrical Inspection (CFEI) mula sa LGUs, na kadalasang nadaragdagan pa ng hindi kinakailangang requirements.