Sama-puwersa sina Bam Adebayo na may 24 points at 11 rebounds at si Jimmy Butler na may halos triple-double upang idispatsa ang New York Knicks, 109-103 sa simula ng kanilang home-and-home series.

Nagtapos si Butler sa 17 points, 10 rebounds at nine assists kung saan bumawi siya sa second half makaraang alatin sa first half.

-- Advertisement --

Kapwa naman may tig-16 points sina Kendrick Nunn at Tyler Herro para sa ikalawang sunod na panalo ng Heat (9-14) matapos ang huling pitong talo.

Umaasa si Butler na ito na ang simula ng pagrekober nila kung saan nandiyan ang todo bantay sa mga kalaban at kayod sa rebounds.

Kung maalala halos hindi nakokompleto ang Miami nitong mga nakaraang laro na kadalasan ay dahil sa health protocols issues at injury.

Sa kampo ng Knicks nasayang ang diskarte ni Julius Randle na kumamada ng 26 points, 13 rebounds at seven assists.

Maging si Reggie Bullock ay gumawa ng pitong 3-pointers para sa kabuuang 21 points.

Naputol din ang dalawang magkasunod na panalo nag New York (11-14).