Ibinunyag ngayon ng Oscar-winning actor Kevin Spacey na wala na itong tahanan.
May kaugnayan ito sa alegasyon sa kaniya ng sexual assault.
Sinabi nito na mula noong 2017 ng lumabas ang aleagasyon ay naubos ang kaniyang naipong pera.
Magugunitang noong 2022 ay napatunayan ng korte sa New York na liable ang aktor sa pananakit sa kapwa actor na si Anthony Rapp na umanoy kaniyang ginahasa noong 1986.
Subalit noong 2023 ay naibasura naman ang mga kasong isinampa sa kaniya ng korte sa London, United Kingdom.
Kuwento ng aktor na tumitira ito sa mga hotels at airbnb kung saan malapit ang mga proyekto na kaniyang ginagawa.
Magugunitang nagwagi ang 66-anyos na aktor bilang Best Supporting Actor ng Academy Awards sa pelikulang “The Usual Suspects” noong 1995 at noong 1999 ay Best Actor naman sa pelikulang “Americn Beauty”.
















