-- Advertisements --
Pinasawalang sala ng korte sa South Korea sa kasong sexual misconduct si Squid Game actor O Yeong-Su.
Taong 2022 ng kinasuhan ang 81-anyos na actor na dalawang beses na sexual assault.
Base sa alegasyon ng isang babae na biglang niyakap at hinalikan ito ng actor.
Napatunayang guilty ang actor noong 2024 at pinatawan ng eight-month suspended prison sentence.
Agad naman na inapila ito ng actor hanggang kinatigan siiya ng korte.
Sa inilabas na desisyon ng korte na lumabas na naguluhan ang pag-iisip ng biktima kung gaano na katagal ang pangyayari.
Sa unang pahayag ng biktima na nangyari ang insidente noong 2017 habang nasa rural areas pa si Mr.O at taong 2021 ng kasuhan ng biktima ang actor na sa taon din iyon ay ibinasura na ito.
















