-- Advertisements --

Nanguna sa dami ng nominasyon para sa Golden Globes awards ang “One Battle After Another” na mayroong siyam na nominasyon.

Pumangalawa naman ang Norweigan family dramedy na “Sentimental Value” na mayroong walong nominasyon.

Sinundan naman ng “Sinners” na mayroong pito at ang Shakespeare family drama na “Hamnet” na mayroong anim

Habang “Wicked For Good” ay mayroong limang nominasyon na hindi nakasama sa best musical at comedy.

Gaganapin ang awarding ng Golden Globes sa Enero 11 na ilang linggo bago ang Academy Awards.