Nagtala ng malaking panalo ang public relations at public affairs consultancy firm na ALPAS sa 21st Philippine Quill Awards, ang pangunahing parangal sa bansa para sa kahusayan sa business communication, na ginanap noong Agosto 27 sa The Manila Hotel. Nakuha ng ahensya ng limang pagkilala, kabilang ang Excellence Award at isang Top Division Award, sa kanilang unang pagsali sa prestihiyosong parangal.
Ang Philippine Quill Awards, na inorganisa ng International Association of Business Communication (IABC) Philippines, ay isang prestihiyosong plataporma na kumikilala sa mga programang gumagamit ng kreatibidad at estratehiya upang makamit ang makabuluhang epekto at nasusukat na resulta.
Nakamit ng ALPAS ang Top Division at Excellence Award sa ilalim ng Communication Training and Education division para sa kanilang programang “The Struggle Is Real: Crisis Communications Training” na inilunsad sa ilalim ng corporate social responsibility (CSR) arm ng ahensya bilang tugon sa pagkalat ng maling impormasyon at disimpormasyon sa bansa. Binigyan nito ng kakayahan ang mga lingkod-bayan at kabataang lider upang masusing suriin ang impormasyon at maging tagapagtanggol ng katotohanan sa mapaghamong panahon
Nakamit din ng ALPAS ang Merit Award sa ilalim ng Communication Skills Division for Corporate Writing para sa kanilang makabagong TALAKAYAN Series, na naglalayong gawing mas malinaw ang mga komplikadong naratibong politikal at gawing mas abot-kamay ang pagkaunawa sa politika bago ang 2025 midterm elections. Mas pinadali ng kampanyang ito ang access sa masusing impormasyong politikal upang mapaliit ang agwat sa pagitan ng komunikasyon ng pamahalaan at pagkaunawa ng publiko.
Nakakuha ng isa pang Merit Award ang “Health Connect Forum” para sa Sanofi Vaccines Philippines sa kategoryang Audio/Visual sa ilalim ng Communication Skills division. Sinimulan ng Sanofi katuwang ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP), Philippine Medical Association (PMA), at Philippine Foundation for Vaccination (PFV), layunin ng kampanya na tugunan ang patuloy na maling impormasyon tungkol sa pagbabakuna at palakasin ang kamalayan sa kahalagahan ng bakuna bilang isang mahalagang kasangkapan sa pagsagip ng buhay.
Nagwagi rin ang ALPAS ng Merit Award para sa Social Media Programs category sa ilalim ng Communication Skills division para sa kanilang digital-led pediatric vaccination campaign na “Batang Bakunado, Todong Protektado!” para sa Department of Health (DOH), katuwang ang United States Agency for International Development (USAID) at Johns Hopkins Center for Communications Programs. Tinugunan ng inisyatibang ito ang pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa mga bata, kung saan binigyan ang mga magulang ng tama at madaling ma-access na impormasyon, pagkontra sa mga maling paniniwala, at itinampok ang mahalagang papel ng COVID-19 vaccines sa pagbibigay proteksiyon sa mga bata at komunidad.
“To be recognized on our first entry at the Philippine Quill Awards is incredibly meaningful to us and to our whole team,” wika ni ALPAS Co-founder at CEO Marzie Marzan. “These awards are a recognition of the outcomes we have achieved that move society and the entire nation forward. This is just the beginning for ALPAS, and we look forward to telling more meaningful stories that matter in the coming years.”
Naglabas din ng damdamin si ALPAS Co-founder at Chief Strategy Officer Atty. Carlo Escalada sa tagumpay ng ALPAS sa Philippine Quill. “At ALPAS, our philosophy has always been to create work that uplifts our fellow Filipinos and to support the development of our country. Our wins validate this approach and show the strength of a team dedicated to building the Philippines towards progress,” wika niya.
Ang tagumpay ng ALPAS sa Philippine Quill ay kasunod ng kanilang panalo sa Golden Standard Awards sa Singapore, kung saan nakakuha sila ng dalawang parangal para sa Public Service Campaign at NGO Engagement, na lalong nagpatiby sa kanilang dedikasyon sa kahusayan at makabagong estratehikong komunikasyon upang iangat ang pamantayan ng PR industry sa Pilipinas at sa ibang bansa.