-- Advertisements --
Nabigong makapasok sa 98th Academy Awards ang pambato ng Pilipinas na “Magellan”.
Kabilang sana sa shortlist ng Oscars para sa Best International Feature ang nasabing pelikula.
Gawa ni Lav Diaz ang pelikula na pinagbibidahan ni Mexican actor Gael Garcia Bernal na gumanap bilang Ferdinand Magellan.
Kabilang din sa pelikula sina Ronnie Lazaro, Amado Arjay Babon at iba pa.
Bukod sa nasabing pelikula ay bigo ring makapasok sa kategoryang Best Documentary ang pelikulang gawa ni Baby Ruth Villarama na “Food Delivery”.
Bagamat dismayado ay hindi pa rin nagbabago ang pagsuporta sa pelikulang Pinoy si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Joey Reyes.















