Mariing itinanggi ni Marikina 1st District Representative Marcelino Teodoro ang akusasyon na sexual assault na inihain laban sa kaniya.
Tinawag ng mambabatas ang akusasyon na malisyoso, gawa gawa lamang at intensiyong sirain ang kaniyang reputasyon.
Sa isang official statement na inilabas ni Rep. Teodoro,kaniyang sinabi na mukhang politically motivated ang atake at may tumatrabaho laban sa kaniya.
Giit ni Teodoro sobra na ang mga akusasyon.
Inihayag ng Kongresista na hanggang sa ngayon hindi pa siya nakakatanggap ng kopya hinggil sa nasabing trabaho.
Aniya, ang isang alegasyon ay hindi maituturing na ebidensiya.
Nanawagan at umaasa si Teodoro ng isang impartial, transparent at bukas na imbestigasyon upang maproteksyunan ang kaniyang reputasyon lalo at sunud-sunod ang atake laban sa kaniya.
Ayon sa Department of Justice (DOJ) sasailalim sa case build up at legal evaluation upang matukoy na may sapat na ebidensiya bago ang isasagawang preliminary investigation.