Reading Time: 1 minute
Eddie Garcia 1

Nananatili pa ring nasa kritikal na kondisyon ang beteranong actor na si Eddie Garcia.

Sa pinakahuling medical bulettin na inilabas ng Makati Medical Center, nasa comatose stage pa rin ito.

Ayon kay Dr. Artemio Salvador ang Patient Relations Department Division Head ng nasabing pagamutan, na kanilang ginagawa ang lahat para manumbalik sa normal ang actor.

Kinumpirma din ng mga kaanak nito naka-life support.

Labis din ang pasasalamat nila dahil sa dami ng mga nagdarasal para sa agarang paggaling ng beteranong actor.