Alaska Aces
Alaska Aces/ PBA image

Tinapos na ng Alaska Aces ang kanilang limang sunod na pagkatalo matapos talunin ang Rain or Shine 78-71 sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup.

Naging bida sa panalo ng Aces ang kanilang import na si Franko House na mayroong 22 points at 23 rebounds.

Isa ring nagpakitang gilas ang nanunumbalik na si Jeron Teng na mayroong 18 points, siyam na rebounds at dalawang assists habang mayroong tig siyama na puntos sina Vic Manuel at Simon Enciso.

Labis naman ang kasiyahan ni Alaska coach Jeffrey Cariaso, dahil natapos na ang kanilang magkasunod na pagkatalo.