Binigo ng Alaska Aces ang Columbian Dyip 111-98.

Pinangunahan ng kanilang import na si Chris Daniels na nagtala ng 25 points at 16 rebounds.

Nag-ambag naman ng 19 points si Simon Enciso habang mayroong 20 points si Chris Banchero.

Itinuring naman ni Aces coach Alex Compton ang kahalagahan ng unang panalo nila sa pagbubukas ng PBA Commissioners’ Cup.