Tiniyak ng Department of Agriculture (DA ) sa publiko na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang bansa ngayong banta ng super El Niño sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na naghahanda ang gobyerno sa posibilidad ng matinding epekto ng nasabing super El Nino.
Mahalaga aniya na mapuno ng bigas at palay ang mga bodega ng National Food Authority (NFA) sakaling bumaba ang ang produksyon dahil sa El Niño ay mayroong maraming buffer stock.
Paliwanag nito na mayroong pondo ang gobyerno para madagdagan ang fertilizers kung saan mayroong ilang lugar na maraming tubig.
Isa rin sa kaparaanan ay ang pagkakaroon ng dagdag na 65 na bodega sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kung saan mayroon na ngayon sa kabuuang 364 na bodega sa buong bansa.















