-- Advertisements --

Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Oplan Kontra Baha sa Metro Cebu Waterways Clearing and Cleaning Operations sa Mahiga Creek sa pagitan ng Mandaue at Cebu City ngayong araw, Nobyembre 21, 2025.

Ang nasabing programa ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan para sa disaster preparedness at community resilience.

Nakatuon ang programa sa paglilinis at pag-aalis ng basura, putik, at ilegal na istruktura sa mga estero, ilog, at drainage systems upang maiwasan ang matinding pagbaha. 

Sinuri din ng Pangulo ang operasyon sa Mahiga Creek, kabilang ang dredging at clearing activities, bago tumungo sa kabilang bahagi ng tulay para tingnan ang karagdagang gawain.

Ang Mahiga Creek ay bahagi ng halos 12-kilometrong Subangdaku–Mahiga River system na madalas umapaw dahil sa matinding sediment at naipong basura. Pinangunahan ng DPWH Region 7 ang clearing operations sa iba pang pangunahing daluyan ng tubig tulad ng Butuanon River, Subangdaku River, Kinalumsan River, Guadalupe River, Mananga River, Cotcot River, at Cansaga Bridge.