-- Advertisements --

Pina aaresto na ni Pangulong Ferdinand Marcod Jr sa mga law enforcement agencies si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co at 17 iba pang mga tauhan mula sa SPWH at Sunwest Corporation.

Itoy matapos maglabas nang arrest warrant ang Ombudsman laban sa mga nasabing indibiwal.

Ayon sa Pangulo, pormal nang naghain ng kaso ang Office of the Ombudsman laban kay Zaldy Co at iba pang 17 indibidwal. 

Ito ay batay sa mga ebidensiyang isinumite ng Independent Commission of Investigation (ICI) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 

Ayon sa Pangulo malinaw at matibay ang mga dokumentong nagsilbing basehan ng pagsasampa ng kaso.

Dagdag pa ng Pangulo, nakahanda nang ipatupad ng mga awtoridad ang mga arrest warrants.

Aarestuhin ang mga akusado, ihaharap sa korte, at sisiguraduhing mananagot sila sa batas. 

Pagtiyak ng Presidente na walang special treatment at walang sasantuhin.

Binigyang-diin ng Pangulo na kaniyang tapusin ang sinimulan niyang paglilinis sa naturang anomalya.

Nagpasalamat si Pangulong Marcos Jr. sa taumbayan sa kanilang mahabang pasensya habang inaantay ang resulta ng imbestigasyon. Aniya, nagsisimula nang mamunga ang mga hakbang ng pamahalaan upang tiyaking may pananagutan ang mga nasa likod ng kontrobersiya.