-- Advertisements --

Humingi ng taus-pusong paumanhin si dating Ako Bicol Representative Zaldy Co sa mga Pilipino at higit sa lahat sa kaniyang pamilya.

Sa ikatlong video statemet na inilabas ni Co ngayong Linggo, Nobiyembre 16, ipinaliwanag niyang ginawa lamang umano niya kung ano ang iniutos sa kaniya.

Subalit ngayon ay handa naumano siyang harapin ang lahat.

Muli ding iginiit ng dating mambabatas na walang napuntang pera sa kaniya.

Aniya, idinaan lamang sa kaniya ang pera para ipadala kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez.

Matatandaan nauna ng pinabulaanan ni dating House Speaker Martin Romualdez ang mga paratang ni Co habang tinawag naman ng Malacañang ang mga akusasyon ni Co bilang hearsay o haka-haka lamang na walang basehan at hinamon si Co na umuwi ng Pilipinas at panumpaan ang kaniyang mga salaysay.