Nag-isyu ang Taiwan sa kanilang mamamayan ng crisis guide bilang paghahanda sa sakuna at posibleng pag-atake ng China.
Sa 32 pahinang booklet, pinayuhan ang lahat muila sa kung paano maghanda ng “go bag” hanggang sa kung ano ang gagawin sa oras na tumunog ang air-raid siren at kung paano ang pagbibigay ng first-aid.
Ibinabala din ng Taiwan government ang “hostile foreign forces” na maaaring gumamit ng maling impormasyon para pahinahin ang kanilang paninindigan para depensahan ang isla sakaling umatake ang China.
Aniya, sakaling magkaroon ng military invasion sa Taiwan, walang katotohanan ang anumang claim na magsasabing sumuko ang kanilang gobyerno o natalo sila.
Ang bagong naimprintang bersiyon ay ang unang pagkakataon na inilabas na paper emergency guidelines ng Taiwan government sa publiko.
Ang naturang crisis guide na pinamagatang “In Case of Crisis” ay parte ng pagsisikap ni Taiwanese President Lai Ching-te na maihanda ang isla, na tahanan ng 23 milyong katao, para sa sakuna o labanan.
















