-- Advertisements --

Nangako si Taiwan President Lai Ching-te nitong Huwebes, Enero 1, 2026 na ipagtatanggol niya ang soberanya ng isla, kasunod ng malakihang military exercises ng China sa paligid ng Taiwan.

Ayon kay Lai, layon ng gobyerno na palakasin ang depensa ng bansa, itaguyod ang resiliency ng bawat lipunan, at bumuo ng epektibong deterrence laban sa anumang banta.

‘As president, my stance has always been clear: to resolutely defend national sovereignty and strengthen national defense,’ ani Lai.

Binanggit din niya ang patuloy na suporta ng international community sa Taiwan at iginiit na: ”build a safer and more resilient Taiwan.”

‘As long as China acknowledges the existence of the Republic of China, respects the Taiwanese people’s desire for a democratic and free way of life,’ dagdag ni Lai.

Matatandaan na ang military exercise ng China ay kasunod ng pag-apruba ng Estados Unidos sa $11.1 billion arms sale para sa Taiwan at sa pahayag ng Prime Minister ng Japan tungkol sa posibleng agarang pagtugon ng Tokyo sakaling lumusob ang Beijing.