Pormal nang nanumpa bilang Pangulo ng Taiwan si Lai Ching-te matapos manalo sa halalan noong Enero.
Ang 64 anyos na si Lai ang ika-16 na Pangulo sa ilalim ng Republika ng China at pang-8 naman ng tuluyang ma-establish ang self-ruled island ng Taiwan.
Kasabay din nito ang pag-marka sa pagsisimula ng makasaysayang tatlong magkasunod na termino ng ruling party sa isla na Democratic Progressive Party (DPP) na nagpanalo ng demokrasiya sa Taiwan sa harap ng ilang taong lumalawak na banta mula sa authoritarian na China.
Sa inauguration ceremony ni Lai, ipinasakamay ni Taiwan legislature Han Kuo-yu ang seals of office kay President William Lai at sa kaniyang Bise Presidente na si Hsiao Bi-khim na mula sa oposisyon.
Sa inauguration speech ng bagong Taiwan President, inaasahang bibigyang diin ni Lai ang pagpapatatag ng mga pundasyon na nakamit ng kaniyang predecessor na si Tsai Ing-wen na kauna-unahang babaing lider ng Taiwan.
Inaasahan din na magpaabot ng mensahe sa China para sa pagsusulong ng kapaypaan at kaunlaran sa Taiwan Strait.
Sa kaniya naman unang tungkulin bilang pangulo, lalagdaan nito ang appointment decrees para sa kaniyang Premier-designate Cho Jung-tai, Secretary-General to the president Pan Men-an at National Security Council Secretary-General Wellington Koo.
Sa plaza naman sa labas ng Presidential office sa Taipei, nagsagawa ng military parade.
Samantala, sa pagbaba naman sa pwesto ni former Taiwan President Tsai Ing wen, sinabi nito na isang malaking karangalan sa kaniyang buhay ang magsilbing pangulo ng Taiwan sa loob ng 8 taon.
Sinabi din nito na sa harap ng nagtipun-tipong mamamayan na dapat magtiwala sa sarili, magtiwala sa Taiwan at patuloy na tahakin ang tamang landas.