-- Advertisements --

Nagpahayag ng “buong-buo at kolektibong suporta” ang Northern Luzon Bloc na binubuo ng 40 kongresista mula Regions I, II at Cordillera Administrative Region para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ng isang manifesto.

Inihayag ng grupo na nakabatay ang kanilang deklarasyon sa tungkulin at pangangailangang panatilihin ang pambansang katatagan. 

Suportado nila ang socio-economic agenda ng Pangulo, kabilang ang food security, digital modernization, economic expansion, infrastructure development at pagpapalakas ng human capital.

Ipinanindigan din ng alyansa ang kanilang suporta sa kampanya laban sa korapsyon at pagsusulong ng transparency, accountability at digital governance sa lahat ng antas ng pamahalaan.

Tiniyak ng Northern Luzon bloc ang pagtaguyod sa mga programang nakatuon sa climate resilience, edukasyon, kapayapaan at kaayusan, at regional development—lalo na sa Hilagang Luzon.

Nakasaad sa manifesto ang buong suporta ng mga Kongresista, commitment sa batas na naayon sa national agenda, at determinasyong protektahan ang integridad ng mga institusyon para sa isang mas maunlad at nagkakaisang Pilipinas.