-- Advertisements --
Isinusulong ng Metro Manila Council (MMC) ang mas mabigat na kaparushan sa mga tao na nagtatapon ng basura sa mga ilog at estero sa Kamaynilaan.
Sinabi ni MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, na maaring patawan sana ng P5,000 na multa kahit na paulit-ulit nitong gawin.
Depende rin aniya ito sa mga iba’t-ibang lungsod sa Metro Manila kung mayroon silang mga ordinansang ipinapatupad.
Nais nito na maging parehas na rin ang multa sa lahat ng lungsod ng Kamaynilaan para magkaroon ng disiplina ang lahat sa tamang pagtatapon ng basura.