-- Advertisements --

Aabot sa 60,000 na mga reservist ang ipinatawag ng Israeli military para sa plano nilang ground offensive.

Layon ng nasabing dagdag na puwersa ay para masakop at ma-okupa ang lahat ng Gaza City.

Magrereport ang mga ito sa buwan ng Setyembre at lahat ng mga sundalo na gagamitin sa opensiba ay magiging active-duty personnel.

Inaprubahan na rin ni Israeli Defence Minister Israel Katz ang paglalagay ng mga sundalo na nasa Zeitoun at Jabalia areas.

Inaasahan na ilang daang libong mga Palestino na nasa Gaza City ang aatasang lumikas at magtago sa shelterssa southern Gaza.

Kinondina naman ito ng maraming mga bansa kung saan sinabi ni French President Emmanuel Macron na magdudulot lamang ito ng pinsala sa mga tao at pagkakaroon ng permanenteng giyera.

Inihayag naman ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na lalong dadami ang mawawalan ng ligtas na tirahan kapag itinuloy ito ng Israel ang balak.

Pinipilit naman ng mga mediators na bansa na Egypt at Qatar na maplantsa na ang peace deal bago ang gagawing opensiba na ito ng Israel.