patric ewing

Kinumpirma mismo ng New York Knicks great Patrick Ewing na positibo ito sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ng 7-foot center na gusto raw niyang ibahagi ang kanyang diagnosis sa naturang virus sa publiko.

Kasabay nito, binigyang diin ni Ewing hindi raw dapat balewalain ang banta ng virus na posibleng makaapekto sa sino man.

Ang 57-anyos na naglaro ng 17 seasons sa NBA ay kasalukuyang head coach ng Georgetown University men’s basketball team.

“I want to share that I have tested positive for COVID-19. This virus is serious and should not be taken lightly. I want to encourage everyone to stay safe and take care of yourselves and your loved ones,” ani Ewing sa kanyang Twitter account.