Dumating na sa bansa ang siyam na Filipino crew member mula sa oil tanker na binihag ng Iranian Navy sa Gulf of Oman.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ito lamang ang unang batch dahil sa mga susunod na araw ay mayroong dalawang iba pa ang darating.
Dagdag pa nito na ang anim na iba pa ay naghihintay lamang ng kapalitan bago makabalik sa Pilipinas.
Paliwanag pa ng opisyal na hindi maituturing hostage ang mga ito at kusa silang naiwan sa barko dahi sa sa dinoble nila ang kanilang mga sahod.
Isa sa mga bihag na si Lord Rangasajo na kasamang umuwi ang nagsabing hindi sila itinuring na bihag at naging maganda ang pakikitungo ng mga Iranians.
Nasa walong mga Iranians commandos ang pumasok sa kanilang barko na armado ng matataas na uri ng baril.
Magbibigay naman ang Oversease Workerss Welfare Administration (OWWA) ng psychocounseling sa mga dumating na Pinoy crew members.
Magugunitang nitong Enero ng nilusob ng Iranian Navy ang oil tanker na St. Nikolas habang ito ay Gulf of Oman.
Ang hakbang aniya ng Iran ay bilang pagganti sa pagkumpiska ng US forces ng Iranian crude oil mula sa parehas na barko noong 2023.