-- Advertisements --

Plano ng ilang mga transport group na humirit ng P1.00 na provisional fare increase dahil sa pagtaas sa presyo ng mga produktong langis.

Sinabi ni Pasang Masda President Obet Martin, na sa mga susunod na araw ay kanilang ipapasa ang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Gaya aniya ng kanilang ipinasang petisyon noong Hunyo ay ganun din ang kanilang ihihirit dahil sa lingguhan na ang pagtaas ng presyo ng langis.

Magugunitang binawi ang petisyon noong Hunyo matapos na magkaroon ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.