-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang sisinuhin ang pamahalaan at mananagot sa batas ang sinomang mapapatunayang nagkaroon ng kapabayaan sa mga flood control project, o nanamantala sa pera ng taombayan.

Sa inilabas na teaser ng PCO para sa Podcast interview ng Presidente tahasang sinabi ni Pangulong Marcos na kahit pa ka-alyado niya sa politika, sakaling mapatunayang nagkaraoon ng kapabayaan o pananamantala, hindi ito palulusutin ng administrasyon.

Kung maalala sa State of the Nation Address (SONA) ng pangulo, kaniyang ipinag-utos nito sa Department of Public Works and Highways (DPWD) ang kumpletong listahan ng mga flood control project sa nakalipas na tatlong taon.

Pinatutukoy ng pangulo kung alin sa mga ito ang hindi tapos, mababa ang kalidad, o ghost project lamang, at agad itong isasapubliko, para mapapapanagot sa taombayan ang mga korup, nagkaroon ng kapabayaan, o nangabuso.

Sabi ng pangulo, ang dinadaang hirap ng mga Pilipino, tuwing umuulan at bumabaha, dapat lamang mayroong managot.