-- Advertisements --
Holyoke Soldiers Home
Holyoke Soldiers Home

Nasa 80 mga war veterans na nasa elder care facility sa Massachusetts ang pumanaw matapos dapuan ng coronavirus.

Ito na ang itinuturing na pinakamadugong coronavirus outbreak sa long-term care facility sa US.

Bukod sa mga nasawi ay nagtala rin ng 82 veterans at 81 na empleyado ng Holyoke Soldiers’ Home na nagpositibo sa nasabing virus.

Inamin ng isang nurse doon na si Joan Miller na ang ilang mga manggagawa ay walang sapat na personal protective equipment.

Napipilitan ang ilang mga staff na magtungo sa ibang unit para tumulong.

Karamihan kasi sa mga dito ay mga nasa edad kung saan sila ay susceptible sa mga sakit.

Sinabi naman ni Brooke Karanovich ang tagapagsalita ng Health and Human Services na umabot sa 230 na mga veterans ang naninirahan sa lugar.

Pinapaimbestiga na ni Massachussetts Governor Charlie Baker, Attorney General Maura Healey at federal Department of Justice’s Civil Rights Division ang nasabing pangyayari.