Mahigit 80 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa naganap na sunog sa residential area sa Barangay Marulas, Valenzuela City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) gawa sa light materials ang karamihang bahay kaya mabilis kumalat ang apoy.

Nagsimula ang sunog pasado 6 p.m. nitong Huwebes at mahigit apat na oras bago ito tuluyang naapula.

Ito na ang ikatlong beses na nasunog ang lugar at inalaam pa ng BFP ang naging sanhi ng nasabing malaking sunog.