Dallas Luka Doncic
Dallas star Luka Doncic
-- Advertisements --

Niregaluhan ni Dallas Mavericks star Luka Doncic ang ilang mga bata sa isang pagamutan.

Doncic gift
Doncic gifts to children

Ayon sa kampo ng 22-anyos na NBA star nasa 80 mga kabataan na naka-confine sa Children’s Health sa Dallas at Plano ang nakatanggap ng regalo.

Naglalaman ang regalo ng Jordan shoes, hoodies, medyas, bags at sulat na pirmado ng NBA star.

Kabilang din sa regalo ang coloring book kung saan makikita ang larawan nila ng malapit na kaibigan nitong si Boban Marjanovic.

Nais ni Luka na personal niya itong dalhin sa mga kabataan subalit dahil sa ipinapatupad na health protocols ay ang kampo na lamang nito ang nagbigay.

-- Advertisement --