Naglabas ng red rainfall warning ang state weather bureau ngayong araw sa ilang probinsya sa Northern Luzon, kasabay ng lalo pang paglapit ng bagyong crising.
Kabilang sa mga nasa ilalim nito ay ang probinsya ng Cagayan, Isabela, Apayao, at Ilocos Norte.
Ang red rainfall advisory ay nangangahulugang babagsak ang hanggang 200 mm ng tubig ulan sa loob ng 24 oras. Maaari itong magdulot ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga bulubunduking lugar.
Ngayong araw din ay nakataas ang orange rainfall warning sa mga probinsya ng Batanes, Ilocos Sur, Benguet, Kalinga, Abra, Quirino, La Union, Aurora, Quezon, Camarines Norte at Camarines Sur.
Ito ay katumbas ng 100 hanggang 200mm ng ulan na inaasahang bubuhos sa susunod na 24 oras.
Ayon sa weather bureau, posibleng magpatuloy pa ito hanggang sa araw ng Lingo dahil sa pag-iral ng bagyong Crising.
Samantala, ngayong araw ay nakataas din ang orange warning sa mga probinsya ng Palawan, Occidental Mindoro, Iloilo, Guimaras, Antique, at Negros Occidental dahil sa pag-iral ng southwest monsoon o hanging amihan.
Inaasahang aabot mula 100 hanggang 200 mm ng ulan ang bubuhos sa mga naturang probinsya sa susunod na 24 oras.