Binabantayan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga coastal town sa Northern Luzon, kasabay ng unti-unting paglapit ng bagyong Crising sa kalupaan ng bansa.
Inihanda na ang Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) ng mga kagamitan at personnel upang magbantay at magsagawa ng patrol operations sa iba’t-ibang bahagi ng northeastern Luzon, ang lugar na inaasahang unang tutumbukin ng bagyo.
Nakahanda ang ilang Deployable Response Group (DRG) sa bawat station at sub station na mai-deploy anumang oras sa mga coastal municipalities na direktang nakaharap sa karagatan.
Bawat team ay may kakayahang magsagawa ng search and rescue operations, at may sapat na communications equipment, life vest, atbpang kakailanganin sa mga serye ng operasyon.
Pinapayuhan naman ng naturang coast guard district ang mga mamamayan na tumawag sa mga hotline nito:
Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN)
Globe: 0997-163-2854
Coast Guard Station Cagayan
Globe: 0956-830-1802
Coast Guard Station Aurora
Globe: 0908-816-7144
Coast Guard Station Batanes
Globe: 0961-877-2083
Coast Guard Station Calayan
Smart: 0999-924-3554
Coast Guard Station Isabela
Globe: 0962-827-5978
Inaasahang tutumbukin ng bagyong Crising ang mga probinsya ng Isabela, Cagayan, at Batanes at posibleng mag-landfall sa isa sa mga nabanggit na probinsya.