-- Advertisements --
Binigyang linaw ngayon ng kontratistang si Sarah Discaya na ang pagtungo niya sa National Bureau of Investigation (NBI) ay hindi pagsuko at sa halip ay para maging ligtas siya.
Dagdag pa nito na parang isang uri ng ‘safekeeping’ dahil ang mga tumatakas lamang ay yung mga may kasalanan.
Mas maginhawa ito ngayon sa kustodiya ng NBI dahil sa kampante ito na ito ay ligtas doon.
Magugunitang nahaharap ng kasong malversation at falsification of public documents si Discaya at walong opsiyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Davao Occidental dahil sa ghost project ng halos nasa P100-milyon.















