-- Advertisements --
MAGA Tulsa Trump Rally

Pumalo na sa walo ang bilang ng mga staff ni US President Donald Trump na dumalo sa kaniyang rally sa Tulsa, Oklahoma ang nagpositibo sa coronavirus.

Ayon kay Tim Murtaugh ang campaign communications director ni Trump, nakasuot ng facemask ang mga dumalong staff subalit sila pa rin ay nagpositibo sa coronavirus ng sumailalim ang mga ito sa pagsusuri.

Dagdag pa nito, ilang oras bago ang pagsisimula ng rally ni Trump nitong Linggo ay anim na ang nagpositibo habang ang dalawa ay nagpositibo nang suriin ang mga ito pagkatapos ng rally.

Agad na inihiwalay ang mga nagpositibo at inilagay ang mga ito sa quarantine area.

Magugunitang aabot lamang sa mahigit na 6,000 ang dumalo sa pagbabalik ng campaign rally ni Trump matapos na ito ay pansamantalang itinigil noong Marso dahil sa coronavirus pandemic.

Ang venue ng politcal rally ay kayang magkasya ng 19,000 katao.

Bawat dumalo sa event ay pinapirma muna ng waiver na hindi sila magsasampa ng kaso sa Trump campaign sakaling madapuan sila ng virus.

US Pres Donald Trump Rally MAGA Tulsa COVID