-- Advertisements --
Pinaigting ngayon ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang kanilang kampanya laban sa Flu-Like Illnesses (FLI) matapos tumaas ang kaso ng sakit sa lungsod.
Ayon sa City Health Department, nakapagtala ang lungsod ng 2,2606 kaso hanggang Nobyembre 7, 87% na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Pinakamatinding tinamaan sa lungsod ang mga batang edad 14 pababa, na mayroong 1,637 na kaso, sa mga barangay sa Batas at Commonwealth, kung saan naroroon ang pinakamalalaking pampublikong paaralan sa lungsod.
Ayon sa DepEd, karaniwan na daw na tumataas ang FLI sa pagitan ng Agosto at Oktubre dahil sa masisikip na silid at aktibidad ginagawang indoor activity ng mga estudyante tuwing tag-ulan.
















