-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto , na mayroong pagkilos para siya ay mapatalsik sa puwesto.

Sinabi nito na sanay na siya sa mga usapin kung normal na lamang ito nangyayari sa Senado.

Hindi naman na binanggit nito kung saan nagmula ang impormasyon.

Ipinapaubaya na lamang nito sa kapwa Senador dahil ang pagtitiwala sa isang Senate President ay nakasasalay sa mga miyiembro nito.

Magugunitang lumutang ang usapin ng pagpapatalsik kay Sotto at 14 kaalyado nito sa Senado noong Oktubre sa kasagsagan ng imbestigasyon ukol sa anomalya ng flood control projects.