-- Advertisements --

Naghain si Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III ng panukalang batas na hindi na buwisan ang mga empleyado na sumasahod ng P350,000 kada taon.

Sa lumang batas kasi ay dapat ay exempted na sa withholding tax ang mga kumikita ng P250,000 kada taon.

Una ng binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, Hulyo 27 na dapat ay taasan ng kongreso na sa P350,000 ang hindi na bubuwisan ng kanilang kita.

Nakasaad sa panukalang batas ni Sotto na ““Expanded Income Tax Exemption of 2026,” na ang mga manggagawa na kumikita ng P350,000 o mas mababa pa kada taon ay hindi na magbabayad ng kanilang buwis simula Enero 1, 2027.