Inihayag ng dating mambabatas na si Zaldy Co na marami pa siyang bibigyang linaw may kaugnayan sa korapsiyon sa flood control projects, base sa ikatlong video na inilabas niya ngayong Linggo, Nobiyembre 16,
Kabilang na dito ang mga inamin nina dating DPWH Bulacan 1st District engineer Henry Alcantara at iba pa na tinawag niyang “DPWH boys” sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Kung saan, nilinaw ni Co na hindi P21 billion kundi P56 billion ang halaga ng kickbacks na napunta umano kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez.
Matatandaan, sa Senate hearing noong Setyembre, inamin ni Hernandez na naghatid siya ng tinatayang P1 billion na halaga ng pera na nakalagay sa maleta sa staff ni Co.
Samantala, tiniyak naman ng dating mambabatas na kaniyang ilalabas ang buong detalye sa mga susunod na araw at umaasa na sana ay hindi siya mapatay bago mailabas ang lahat ng kaniyang nalalaman.
















