SIBERIA – Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nangyaring pamamaril-patay sa walong Russian servicemembers sa loob ng isang military base sa Siberia nitong Biyernes ng gabi.

Batay sa initial report ng Investigative Committee, isang sundalo ang biglang namaril sa kaniyang mga kasamahan na nasa military garrison, malapit sa Chita City.

Kinilala ang salarin na si Private Ramil Shamsutdinov, kasapi ng Unit 54160.

Inaalam ng mga imbestigador kung may sakit sa pag-iisip ang nag-amok na sundalo o may kaaway ito sa kaniyang mga kapwa servicemembers.

Sa kasalukuyan, nilalapatan ng lunas ang dalawa pang nasugatan sa nasabing pangyayari. (CNN)