Walong drug suspek ang inaresto ng Dasmariñas Police matapos suyurin nito ang ilang bahay sa Barangay H2, Dasmariñas City, Cavite, dahil ginagawang drug den ang mga ito.

Sa bisa ng search warrant, apat na bahay ang inisyal na hinalughog ng mga pulis kung saan walong katao ang inaresto dahil sa pag-iingat ng iligal na droga.

Nasa mahigit P100,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa isa sa mga suspek.

Nagsagawa rin ng operasyon ang mga pulis sa karatig barangay na Datu Ismael, kung saan may mga nasamsam pang shabu at drug paraphernalia.

Ayon kay Dasmariñas polie chief S/Supt. Nerwin Ricohermoso, dumaan sa surveillance ang mga bahay na tinarget ng PNP nitong umaga.

Tiniyak nito na lahat ng mga bahay na ginagawang drug den ay isinailalim na nila sa surveillance.