-- Advertisements --
Muling haharap sa napakataas na heat index ang ilang lugar sa bansa ngayong Mayo 6, ayon sa ulat ng State Weather Bureau.
Ang pinakamataas na damang-init ay maaaring umabot ng 45°C sa Echague, Isabela, habang 44°C naman sa Tuguegarao City, Cagayan; Cavite City, Cavite; at Daet, Camarines Norte.
Sa Metro Manila, posibleng maranasan ang 43°C sa Pasay at Quezon City, pati na rin sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
Maraming lugar din ang makakaranas ng heat index na 42°C, kabilang ang mga siyudad sa Zambales, Palawan, Samar, Leyte, at Davao.
Dahil sa matinding init, pinag-iingat ang publiko laban sa heat cramps, heat exhaustion, at heatstroke.