Nagsampa ng kasong cyberlibel ang casino tycoon na si Enrique Razon Jr laban kay Cavite Representative Francisco “Kiko” Barzaga.
Kasunod ito sa pag-akusa ng kongresista na sangkot sa panunuhol sa Kongreso ang nasabing negosyante.
Isinampa ni Razon sa Makati City Prosecutors’ Office ang two counts ng cyber libel laban kay Barzaga at humihingi ng civil damages ng P100 milyon para sa moral damages at P10 milyon sa exemplary damages dahil sa paninira ng reputasyon at nagdulot ng emotional distress.
Nagbunsod ang kaso sa social media post ni Barzaga na si Razon umano ang utak ng kurapsyon sa Kongreso kung saan binayaran nito ang mga miyembro ng National Unity Party (NUP) sa isang pagtitipon para matiyak ang suporta kay dating Speaker Martin Romualdez.














