BUTUAN CITY – Naidagdag ang isang bomb expert sa mga sumuko na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa 75th IB headquarters sa Brgy Maharlika, Bislig City, Surigao del Sur sa nakaraang araw.

Nakilala ito sa alyas Junio sa Guerilla Front 14, North Eastern Mindanao Regional Committee.

Bitbit nito sa kaniyang pagsurender ang isang kalibre .45 na pistola na may isang magazine na puno sa limang bala at isang .357 revolver na may apat na bala.

Una nang sumuko sa 75th IB ang anim na rebelde na kinabibilangan ng mga pangalang alyas Bong, alyas Pat, alyas Adan, alyas Shiela, alyas Bugoy, at alyas Galo.

Bitbit naman sa kanilang pagsurender ang isang M4 carbine; dalawang cal. .45 pistol; isang M16A1, isang M653 assault rifle; apat na rifle grenade; walong 40mm high-explosive (HE) ammunition; 11 na steel short magazine; isang plastic short magazine; 105 na bala sa 5.56mm; 29 naman sa cal. .45 at tatlong bandoliers.