Umaabot sa pitong players ng Miami Heat ang inilagay ngayon sa quarantine matapos na matukoy sa contact tracing procedure.

Kabilang sa mga Heat stars na inilagay sa isolation ay sina Jimmy Butler, Bam Adebayo at Goran Dragic.

Una nang inilagay sa health at safety protocol lists ay sina Kendrick Nunn, Maurice Harkless, Udonis Haslem, KZ Okpala at guard Avery Bradley.

Nitong nakalipas na Lunes ay kinansela ang kanilang laro laban sa Boston.

Sa Miyerkules naman ay haharapin ng Heat ang Sixers.

Pero wala rin itong kasiguraduhan dalhi nananili pa rin sa isang hotel sa Boston ang mga players.

Una rito, palawa pang games ang kinansela ng NBA dahil sa COVID-19-related at contact-tracing issues.

Ang laro sana mamaya sa pagitan ng Dallas Mavericks at New Orleans Pelicans ay ipinagpaliban muna.

Maging ang matchup bukas ng Chicago Bulls at Boston Celtics.

Una nang na-postpone din ang game ng Miami at Celtics kasunod nang contact-tracing issues.

Samantala, nakatakdang magpulong ngayong araw ang National Basketball Players Association at NBA kung kailangan pang ayusin ang health at safety protocols sa gitna na rin nang paglaganap pa ng deadly virus.