Lalong tumaas pa ang bilang ng mga namamatay matapos na madapuan ng coronvirus disease 2019 o COVID-19 sa Italy.

Nitong Biyernes lamang ay mayroong 627 ang namatay sa loob ng isang araw na nagdadala sa kabuuang 4,032 ang nasawi dahil sa virus.

Mayroong pagtaas ito ng 18.4% ang pinakamataas na kamatayan sa loob ng isang araw magmula ng magsimulang kumalat ang virus.

Magugunitang naungusan na ng Italy ang China sa may pinakamaraming bilang ng mga nasawi matapos dapuan ng virus.

Mayroon ng 47,021 ang kabuuang bilang ng nadapuan sa Italy mula sa dating 41,035.

Ang pinakamatinding lugar na natamaan ay ang rehiyon ng Lombardy na mayroong 2,549 ang nasawi at 22,264 ang kaso.