Ninakaw ng mga kawatan ang mahigit 6,000 surgical mask sa isang pagamutan sa Japan.

Kasunod ito ng tumataas na bilang ng mga nangangailangan ng facemask dahil sa banta ng coronavirus.

Ayon sa namumuno ng Japanese Red Cross hospital sa Kobe, nasa apat na kahon na face masks ang nawala habang ito ay nakalagay sa storage facility.

Tiniyak naman nila na mayroon silang sapat na suplay ng face mask para sa pagpapatuloy ng kanilang operations.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad na posibleng ibenta ito ng mga suspek.

-- Advertisement --