LA UNION – Naramdaman ang 6.8-magnitude na lindol sa hilagang bahagi ng New Zealand.

May lalim itong 10 kilometers sa bahagi ng Kermadec Islands bandang 3:02 p.m. (Philippine time).

Sa ngayon wala pang naitalang casualties ayon sa U.S. Geological Survey.

SinIguro naman ng New Zealand’s civil defence ministry na walang banta ng tsunami sa nasabing bansa.

Kung maalala, unang naramdaman ang 7.4 na lindol sa Kermadec Islands noong linggo.

Ang Kermadec Islands, ay madalas na nakakaramdam ng lindol dahil bahagi ito ng Pacific Ring of Fire.