Malungkot na ibinalita ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 5,392 na ang mga ovearseas Filipino workers (OFWs) na kasalukuyang nasa labas pa ng bansa ang nagpositibo ng COVID-19.

Sinabi ni DFA Usecretary Sarah Lou Arriola, 2,231 dito ang naka-rekober na habang 370 ang namatay.

Ayon kay Usec. Arriola, makikipag-ugnayan lamang ang pamilya ng mga namatay ng OFWs sa Undersecretary for Migrant Affairs para sa pagpapauwi sa labi ng kanilang mahal sa buhay.

Inihayag ni Usec. Arriola na karamihan sa ating mga kababayan ay pinipili na lamang umano na ipa-cremate ang kanilang nasawing mahal sa buhay bago iuwi sa bansa.